Open 24/7: Kitty is reunited with her Prince!
Get ready sa umaatikabong selosan, Team Jolly! Dahil ngayong Sabado ng gabi, may eeksena sa pagitan nina AL (Allen Ansay) at Kitty (Sofia Pablo)!
Sa episode ng Open 24/7 ngayong Sabado, February 17, magkikitang muli si Kitty at childhood friend niya na si Prince (Prince Carlos).
'Yun nga lang, magma-marites si Bekbek (Riel Lomadilla) at ichi-chika kay AL ang nakita niya- ang yakapan nina Prince at Kitty.
Makontrol kaya ni AL ang selos niya sa kababata ni Kitty o magkainitan lang ang dalawa?
Samantala, darating si Tito Pablo ( Pekto ) para pansamantalang mamahala sa convenience store habang may inaasikaso sina E.Z. (Vic Sotto) at Spark (Jose Manalo).
Mapatakbo kaya ni Tito Pablo nang maayos ang negosyo ng magkapatid, lalo na at kilalang womanizer ito? Mukhang magiging interesting ang upcoming episode ng Open 24/7 this week with our special guests Sparkle hunk Prince Carlos and comedian Pekto!
Heto ang ilan sa aabangan eksena sa patok na sitcom!
Bekbek
Marites alert! Hindi makakaligtas sa mata ni Bekbek ang sweet reunion nina Prince at Kitty. Ano ang mangyayari kapag ni-reveal niya ito kay AL?
AL
Susuko na kaya ang mestizo heartthrob sa nararamdaman niya kay Kitty o ipaglalaban pa rin niya ang kaniyang nararamdaman sa dalaga? Abangan ngayong Sabado ang mangyayari!
Open 24/7
Huwag palagpasin ang all-out fun na hatid ng 'Open 24/7' sa darating na Sabado ng gabi, September 2, pagkatapos ng '#MPK' (Magpakailanman).