Open 24/7: Bardagulan nina Boss E.Z. at Spark

May alitan ang magkapatid na sina E.Z. (Vic Sotto) at Spark (Jose Manalo) sa brand-new episode ng Open 24/7 sa May 11!
Matindi ang away nina E.Z. at Spark dahil sa isang damit! Umabot pa sa punto na hahatiin ng dalawa ang Open 24/7 convenience store na makakaapekto sa kanilang negosyo.
Wrong timing pa dahil si Mike (Maja Salvador) este Mikaela, dinatnan ng buwanang dalaw at wala sa convenience store para maplantsa ang gulo.
Huli na ba ang lahat sa pagbalik ni Mike? Tuluyan na kayang magkakasira ang kaniyang mga amo?
Heto ang pasilip sa mga aabangan na eksena sa Open 24/7 ngayong Sabado ng gabi, May 11.





