Open 24/7: Mike, makakaharap ang isang model na may attitude!
Uubra ba ang na-hire na model ng Open 24/7 convenience store sa macho, pero pretty na si Mike (Maja Salvador) na ubod ng pangit ang ugali?
Sa bagong episode ngayon June 24, maiisipan ni Boss EZ (Vic Sotto) na ibenta bilang signature drink ng kanilang business ang sago't gulaman, ang perfect summer drink na ginawa ni Spark (Jose Manalo).
Kukuha sila ng model na ang pangalan ay si Madel (Athena “Rere” Madrid) para sa kanilang promo shoot. Pero uma-attitude ang dalaga at hindi maayos makisama.
Ano kaya ang maiisip na paraan ni Mike para hindi pumalpak ang kanilang promotion para sa signature drink ng convenience store?
Mike
Magiging abala ang Gen-Z crew ni Boss EZ (Vic Sotto) para sa promotion ng kanilang special sago't gulaman. Ano kaya ang maiisip nilang pakulo?
Madel
Magha-hire sila ng model para ma-ipromote ang signature drink ng Open 24/7 convenience store, pero attitude agad si ate.
Rere Madrid
Maging successful kaya ang campaign nila kung “very bad” ang ugali ni Madel? Tutukan ang pagbisita ni Athena “Rere” Madrid ngayong Sabado ng gabi.