Kimson Tan, nasubukan ang acting skills sa sitcom na 'Open 24/7'
Matapos bumida bilang Steven Yap Mano Po Legacy: The Flower Sisters, gaganap naman si Kimson Tan bilang Chinito heartthrob na si Kokoy sa brand-new sitcom na Open 24/7.
Isa ang karakter ni Kimson sa bubuo sa Gen Z staff ni Boss EZ, na nagma-may ari ng isang convenience store. Si Boss EZ ay gagampanan ng seasoned comedian at host na si Vic Sotto.
Bibida rin sa Kapuso sitcom ang award-winning actress na si Maja Salvador at kasama rin nila ang multi-talented comedian na si Jose Manalo.
Sa idinaos na grand media conference ng Open 24/7 last week, umamin ang Sparkle actor sa panayam ng entertainment press na “challenging” diumano ang sumabak sa comedy, matapos ang isang drama series.
Paliwanag ni Kimson, “Very challenging, kasi coming po from Mano Po leading lady ko po dun si Miss Beauty [ Gonzalez], so iba naman po 'yung atake ko dito. Kasi, the first assignment that we had in our look test was to build our character. Kung ano ba 'yung character namin? Ano ba 'yung nuances namin, ano 'yung mannerism namin? Ano 'yung kailangan namin gawin?
Dagdag niya, “Gusto kasi po ni Direk [JR Reyes] 'yung note po niya sa amin is every time you step on the set. You're not Kimson [Tan], you are Kokoy. You are not Anjay [Anson] si Andoy na siya, kumbaga. Kung ano 'yung character namin dapat pagkatapak namin sa set, 'yun na po 'yun. Para kapag nag-take na kami dire-diretso po 'yung take namin.”
Source: kimsontann (IG)
Bilang baguhan sa larangan ng comedy, pinagtutunan din ng pansin ni Kimson, kung paano mag-swak ang comedic timing niya bilang Kokoy.
Aniya, “And, it's challenging, kasi po tulad po ng sinabi ni Kuya Jose [Manalo] kanina. Kahit po sila matagal na po nilang ginagawa 'to , pero 'yung timing po kumbaga inaral pa rin po nila.”
“And kami po na bago lang po 'yung timing po talaga ng bawat joke, bawat patawa, kailangan po namin madeliver ng maayos po.Para matawa rin po 'yung manonood po sa amin.”
Abangan ang grand premiere ng much-awaited comedy program nina Vic Sotto, Jose Manalo, at Maja Salvador sa May 27, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) sa Sabado Star Power sa gabi.
BALIKAN ANG ILAN SA HIGHLIGHTS SA NANGYARING GRAND MEDIA CON NG OPEN 24/7 DITO: