Ken Chan visits Rita Daniela at the hospital
Hindi mapantayan ang sweetness sa isa't isa ng RitKen. Kahit galing sa magkabilang taping ng One of the Baes at The Clash, dumalaw pa rin si Ken Chan sa kaniyang onscreen partner na si Rita Daniela na kasalukuyang nasa ospital.
“If you're feeling bad, I'm feeling bad, but when you're happy, my day can't get any brighter. Thank God you're feeling better,” saad ni Ken sa kaniyang caption.
Nag-comment naman agad si Rita sa post ng kaniyang ka-partner.
Patuloy na subaybayan ang RitKen sa One of the Baes, Lunes hanggang Biyernes tuwing 9:20 ng gabi pagkatapos ng The Gift.