Amy Austria, Tonton Gutierrez, at Roderick Paulate, mapapanood sa 'One of the Baes'
Star-studded ang cast ng One of the Baes na pagbibidahan nina Rita Daniela at Ken Chan sa GMA primetime.
Kasama rin sa upcoming drama ang respetadong mga aktor at aktres na sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, at Roderick Paulate.
Gaganap si Amy bilang Josephine, ina ng karakter ni Rita na si Jowalyn, si Tonton bilang Waldo, ama ni Jowalyn, at si Roderick bilang si Paps, amain ni Jowalyn.
Sa naganap na story conference para sa One of the Baes nitong July 17, ibinahagi ng cast ang kanilang excitement sa kanilang new project.
Kuwento ni Tonton, “I'm very excited for this project kasi napakaganda ng istorya, may drama at comedy siyempre…si Kuya Dick nandito eh at si Ms. Amy sa drama naman.”
Handang-handa na magbalik showbiz si Kuya Dick at sabik na rin itong makasama sa proyekto ang RitKen. “Habang ikinikuwento nila (creative team) 'yung story, lalong excited na kaming gawin. First time ko rin with Ken and Rita. Masaya ang casting.”
Si Amy naman, excited nang magkaroon ng romcom role. “Very happy ako. excited ako something new, rom-com naman na may drama naman. Nakikita ko 'yung excitement ng team, buong puso nilang gagawin.”
Rita Daniela at Ken Chan, kinakabahan sa bagong roles para sa 'One of the Baes'
EXCLUSIVE: Rita Daniela, pressured bang mapantayan ang success ng 'My Special Tatay'