Nagkaroon ng Achondroplasia kaya siya naging maliit kahit normal ang laki ng kanyang mga magulang. Siya ay madiskarte sa buhay, positibo mag-isip at mabait na anak. Siya ang ina nina Natalie at Maila.
Masayahin, mabait na anak at apo, at matalino; Siya ay bunga ng panggagahasa sa kanyang inang si Onay. Lumaki siya sa poder ng kanyang ina kasama ang kanyang lolang si Nelia.
Masungit, spoiled brat, at mapagmataas; Siya ay anak ni Onay kay Elvin pero lumaki siya sa poder ng ina ng kanyang ama na si Helena at ito ang kinikilala niyang ina.
Guwapo, anak-mayaman, at school jock; Siya ay palakaibigan at campus crush. Mahuhulog ang loob niya kay Maila dahil sa pagiging matulungin nito.
Nanay ni Onay at lola ni Maila; Siya ay mabait at madasalin pero matapang kapag siya ang nasa katwiran. Handa siyang makipag-away para maipagtanggol ang mga mahal niya sa buhay.
Ina ni Elvin at lola ni Natalie; Siya ay dating beauty queen na nakapagtrabaho sa France bilang fashion editor. Ikinahihiya niya si Onay dahil sa kapansanan nito.
Siya ang ama ni Maila na bunga ng panggagahasa niya kay Onay. Siya ay galing sa mayamang pamilya at puro bisyo lang ang inaatupag.
Siya ang nakababatang kapatid ni Nelia at tiyuhin ni Maila na tatratuhin niyang sariling anak.
Siya ang asawa ni Onay at ang ama ni Natalie; Tutulan ng kanyang inang si Helena ang pag-iibigan nila ni Onay.
Kikay, parlorista, mahilig mag-ayos at magpa-beauty; Siya ay kababata ni Onay na nagtrabaho sa Hong Kong kaya napahiwalay sa kanya.
Asawa ni Lucas, selosa, at mapang-mata; Hindi niya magugustuhan ang sobrang kabaitan ni Lucas kay Maila kahit tauhan lamang nila ito sa kanilang kumpanya.