GMA Logo Jo Berry
What's on TV

Jo Berry, muling nagpasalamat sa mga sumuporta sa 'Onanay'

By Marah Ruiz
Published May 18, 2020 5:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd hits 5.2M; over 100 persons fainted
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Jo Berry


Muling nagpasalamat si Jo Berry sa suportang natanggap ng 'Onanay.'

Nagtapos na noong nakaraang Biyernes, May 15, ang reairing ng hit GMA Drama series na Onanay.

Naging bahagi ito ng GMA Afternoon Prime special enhanced community programming ng GMA Network.

Muli namang nagpasalamat ang lead star nitong si Jo Berry sa suportang natanggap nito mula sa bago at dati nang viewers.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, nagbahagi ni Jo ng isang litrato niya mula sa huling recording ng voice over para sa kanyang karakter na si Onay.

"Maraming Salamat po sa lahat ng nagmahal at sumubaybay ulit sa Onanay! Last VO ni Onay March 15,2019 around 2pm maga yung mata ko from iyak and no sleep 🤣 medyo iba din yung boses ko nyan," sulat niya.

Maraming Salamat po sa lahat ng nagmahal at sumubaybay ulit sa Onanay! ☺ Last VO ni Onay March 15,2019 around 2pm maga yung mata ko from iyak and no sleep 🤣 medyo iba din yung boses ko nyan.

Isang post na ibinahagi ni Jo Berry (@thejoberry) noong


Bukod kay Jo, naging bahagi din ng Onanay sina Nora Aunor, Mikee Quintos, Kate Valdez at Cherie Gil.

Sa pagtatapos ng Onanay, tunghayan naman ang Philippine adaptation ng hit Korean drama na Stairway to Heaven na pinagbibidahan nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Rhian Ramos.

Tunghayan ito Lunes hanggang Biyernes, 3:25 pm sa GMA Afternoon Prime.