What's on TV

Kate Valdez, kabado pa rin kapag si Cherie Gil ang kaeksena

By Jansen Ramos
Published January 30, 2019 6:01 PM PHT
Updated January 30, 2019 6:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Aminado si Kate Valdez na kinakabahan pa rin siya kapag ka-eksena niya ang beteranang aktres na si Cherie Gil sa hit GMA drama series na Onanay. Read more.

Aminado si Kate Valdez na kinakabahan pa rin siya kapag ka-eksena niya ang beteranang aktres na si Cherie Gil sa hit GMA drama series na Onanay.

Kate Valdez and Cherie Gil
Kate Valdez and Cherie Gil

Ginagampanan ng La Primera Kontrabida ang papel ni Helena na siyang nakalakihang ina ni Natalie, na binibigyang-buhay naman ni Kate.

Sa pahayag ni Kate sa isang exclusive interview, sinabing niyang maingat siya kapag ka-eksena niya si Cherie Gil.

Off cam moments with Mommy Helena ( @macherieamour ) 😘 #Onanay

A post shared by Kate Valdez (@valdezkate_) on


"Kapag may eksena kami, aware ako baka mamaya masaktan ko siya baka may mga eksena na tulak-tulak, siyempre minsan nagrerebelde si Natalie, 'yung mga ganung eksena.

"Ingat na ingat ako talaga kasi okay lang akong masaktan, 'wag lang siya."

Dagdag pa ni Kate, nakakatulong daw sa kaniyang growth bilang aktres ang pagiging observant sa work place.

"Iba 'yung nakukuha kong lesson sa mga kasama ko, sa mga eksena. I can say na talagang nag-improve ako. Lagi naman ako ni-nenerbiyos pero kahit papa'no na-overcome ko 'yun," sabi ng 18-year-old actress.

Netizens moved by Cherie Gil, Jo Berry and Kate Valdez's performance in 'Onanay'