
Magkaaway man sa drama seryeng Onanay, matalik namang magkaibigan sa tunay na buhay ang mga premyadong aktres na sina Nora Aunor at Cherie Gil.
Sa Instagram account ng 'copycat' actress, mapapanood ang kanilang katuwaan sa set habang naghihintay ng kanilang susunod na eksena.
Ayon kay Cherie, "one for the books" daw na mamasahe ng isang Superstar. Nagbiro tuloy si Ate Guy na hanggang alas nuebe lang siya ng gabi.