
Mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa hit teleseryeng Onanay hindi dahil lang sa mga kaabang-abang nitong tagpo, kundi sa bagong love team ngayon sa telebisyon na MaiLiver.
Portmanteau ito ng dalawang pangalan nina Maila at Oliver na ginagampanan nina Mikee Quintos at Enrico Cuenca.
Eksklusibong nakapanayam ng GMANetwork.com si Enrico bago sumalang sa Kapuso ArtisTambayan ngayong Huwebes, October 25. Ibinahagi niya na mas naging close na sila ni Mikee dahil sa Onanay.
Kwento niya, "I feel sorry for her nga sometimes kasi minsan nakikita ko pagod na pagod na siya dahil sa crying scenes but we're good."
"Ngayon, I fee like mas naging close kami dahil sa mahabang hours sa set and we see each other a lot kaya medyo perfect timing nga 'yung nangayayari. The show is focusing more on Maila and Oliver and at this point, me and Mikee work comfortably na together."
Naniniwala kaya si Enrico na pwedeng mag-bloom pa ang MaiLiver love team dahil sa suporta ng kanilang fans?
Sagot niya, "I like that. For now, it's too early to say. I just know na enjoy ko siya [ka-work.]. I get a long with her naman, so kung mag-blossom siya into actual or a bigger love team that would he great."
Nagpasalamat din si Enrico sa mga patuloy na sumusuporta sa primetime series.
"Sa lahat ng mga Kapuso out there, thank you very much for your support. It's been really great kasi mas masaya 'yung prod namin kasi mataas 'yung ratings, and malakas 'yung sumuporta."
"I hope your support will keep going and I just wanna say na I am grateful to be a part of all of these." wika niya.
Patuloy na subaybayan ang Onanay, gabi-gabi pagkatapos ng Victor Magtanggol sa GMA Telebabad.
Samantala, narito ang mga dapat abangan sa serye ngayong Huwebes, October 25.