What's on TV

WATCH: Mikee Quintos at Kate Valdez, mas naging close sa 'Onanay' kaysa sa 'Encantadia'

By Bea Rodriguez
Published August 14, 2018 2:11 PM PHT
Updated August 14, 2018 2:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Kung close sina Mikee Quintos at Kate Valdez noon, mas naging malalim daw ang kanilang pagsasama ngayon dahil sa kanilang mga matitinding eksensa sa 'Onanay.'

Isang post na ibinahagi ni Mikee Quintos (@mikeequintos) noong

Hindi na yata mapaghihiwalay ang Kapuso stars na best friends in real life na sina Mikee Quintos at Kate Valdez.

Nagsimula ang kanilang friendship nang gampanan nila ang roles nina Lira at Mira sa 2016 requel ng Encantadia starring Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Glaiza de Castro.

Kung close sila noon, mas naging malalim daw ang kanilang pagsasama ngayon dahil sa kanilang mga matitinding eksensa sa GMA Telebabad drama series na Onanay.

“Mas naging close kami ngayon kaysa kung paano kami noong Encantadia kasi okay kami noon sa isa't isa eh, kami [as] Mira at Lira. This time, medyo mas mabigat,” kuwento ni Mikee sa Unang Hirit.

Araw-araw din nilang sinusubaybayan ang show at ang performance nito, “Ang sarap ng feeling na everyday umeere [tapos] nalalaman namin 'yung news [na], 'yung ratings kinagabihan. Ang saya, ang ingay-ingay namin 'pag nalaman naming nanalo kami.”

Nagpapasalamat ang dalawa na kasama nila sa serye ang showbiz veterans na sina Superstar Nora Aunor at ang primerang kontrabida na si Cherie Gil.

Samantala, dahil sina Mikee at Kate ang dalawa sa may mga magagandang mukha sa showbiz, ibinahagi ng mga aktres ang kanilang top five makeup essentials. Panoorin ang report.