
Sa August 9 episode ng Onanay, hindi nagtagumpay si Onay (Jo Berry) na mabawi ang kanyang anak na si Rosemarie (Kate Valdez) kay Helena (Cherie Gil) matapos itong isama sa Europa.
Sinundan pa ito ng panibagong dagok sa buhay ni Onay nang nalaman niya na siya'y buntis na dulot ng panggagahasa sa kanya.
Sa kabila nito, susubukan niyang magpakatatag alang-alang sa kanyang anak na si Maila (Mikee Quintos).