Pilot episode ng 'Onanay,' panalo sa ratings!
Mga Kapuso, ramdam namin ang inyong big love!
Dahil sa inyong suporta, wagi sa ratings ang pilot episode ng Onanay ayon sa Nationwide Urban Television Audience Measurement (NUTAM) ng pinagkakatiwalaang market research firm na AGB Nielsen.
Base sa preliminary/overnight data, nakakuha ito ng rating na 11.6 laban sa dalawang programa ng kabilang istasyon.
Nagpasalamat naman ang cast ng serye sa mga tumutok at nagbigay ng positive feedback sa unang episode pa lang ng serye.
Patuloy na sundan ang kwento ni Onay gabi-gabi sa Onanay pagkatapos ng Victor Magtanggol sa GMA.