What's on TV

READ: Nora Aunor at Cherie Gil, kinilatis ang baguhang artista na si Jo Berry

By Bianca Geli
Published July 27, 2018 4:48 PM PHT
Updated July 27, 2018 4:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Ano'ng first impression nina Nora Aunor at Cherie Gil sa actress newbie na si Jo Berry?

Malapit nang mapanood sa upcoming Kapuso show na Onanay ang Superstar na si Nora Aunor at ang original bida-kontrabida na si Cherie Gil.

Gaganap ang dalawang veteran actresses bilang mga ina na ipaglalaban ang kanilang mga anak. Isa sa mga makakasama nila sa cast ay ang newbie actress na si Jo Berry, isang babae na may Achondroplasia na nagdulot ng pagtigil ng kaniyang paglaki.

Ayon kay Nora, “Ang masasabi ko lang kay Jo, isa siyang magaling na artista. Magaling mag-memorya, magaling umarte, at napakabait na tao. Bilib ako.”

 

#OnanayMediaCon: Nora Aunor bilang Nelia | Jo Berry bilang Onay | Mikee Quintos bilang Maila | Gardo Versoza bilang Dante | Rochelle Pangilinan bilang Sally Abangan ang #Onanay sa GMA Telebabad!

A post shared by GMA Drama (@gmadrama) on


Para kay Cherie Gil naman, “For this to happen in her life, she must’ve done something wonderful in her life to get such a blessing, I don’t believe in coincidences. And in spite of the limitations that she has, she’s never stopped herself from going out there and living as all of us should. I’m in awe of her, about her life and what she went through.”

 

#OnanayMediaCon: Cherie Gil bilang Helena | Kate Valdez bilang Natalie | Adrian Alandy bilang Elvin | Wendell Ramos bilang Lucas | Vaness del Moral bilang Imelda | Enrico Cuenca bilang Oliver #Onanay, ngayong August 6 na!

A post shared by GMA Drama (@gmadrama) on


Masayang-masaya naman ang Onanay star na si Jo Berry sa mainit na pagtanggap sa kaniya ng buong cast. “Sobrang nafi-feel ko po ‘yung respeto every day sa taping 'tsaka inaalagaan talaga nila ako and ‘yung story po, sobrang naniniwala po ako na maraming mai-inspire na tao so sana po subaybayan n'yo.”

 

Ngayong Agosto, makikilala na ang small mom with a big heart! #Onanay, sa August 6 na sa GMA Telebabad! #OnanayMediaCon

A post shared by GMA Drama (@gmadrama) on