What's on TV

WATCH: 'Onanay' star Jo Berry, ginawang inspirasyon ang dwarfism upang maabot ang pangarap

By Bianca Geli
Published April 7, 2018 12:12 PM PHT
Updated July 20, 2018 2:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Mapapanood si Jo Berry sa upcoming Kapuso show na 'Onanay' kung saan makakasama niya sina Mikee Quintos at Kate Valdez.

Hindi ginawang hadlang, at sa halip ay ginawa pang inspirasyon ni Jo Berry ang dwarfism upang maabot ang kanyang mga pangarap. Mapapanood siya sa upcoming Kapuso show na Onanay.

Sa ulat ni Aubrey Carampel sa 24 Oras nitong Huwebes ng gabi, ibinahagi ni Jo ang istorya ng kanyang buhay.

Normal ang taas ng kanyang ina, ngunit namana ni Jo ang dwarfism sa kaniyang ama na si Perry, na presidente ng Little People Association of the Philippines. Hindi ito ginawang balakid ni Jo sa pag-abot ng pangarap.

Nagtapos siya ng kursong Computer Science sa kolehiyo at naging consistent honor student din. Matapos mag-aral, nagtrabaho si Jo sa isang BPO company. Hindi rin daw niya pinapatulan ang ibang nanlalait dahil sa kaniyang kondisyon.

"Itinuro po ng papa ko na as long as hindi nila ko sinasaktan okay lang kasi you should be the bigger person," kuwento ni Jo.

Magiging kakaiba rin ang role ni Jo sa Onanay, gaganap siya bilang isang ina.

Masaya rin si Jo na nakasama niya na sa taping ang ilang batikang Kapuso stars tulad nina Gardo Versoza at ang Superstar na si Nora Aunor. "Ang galing niya talaga. Iba 'yung 'pag nanonood ka lang sa kaeksena mo na siya. Ang saya po, privileged talaga na makatrabaho siya," saad ni Jo.

Kasama rin sa show sina Wendell Ramos, Adrian Alandy, Vaness del Moral, Enrico Cuenca at sina Mikee Quintos at Kate Valdez.

Panoorin ang buong report ng 24 Oras dito: