What's on TV

EXCLUSIVE: Bakit nga ba kinuha ng GMA si Adrian Alandy?

By Jansen Ramos
Published April 3, 2018 11:54 AM PHT
Updated July 20, 2018 2:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Sa isang ekslusibong panayam, ipinahayag ni Adrian kung ano ang dahilan kung bakit balik-Kapuso siya. 

Bukod kina Nora Aunor at Wendell Ramos, nagbabalik-Kapuso rin ang hunk actor na si Adrian Alandy a.k.a. Luis Alandy. Ang 2015 primetime series na The Rich Man's Daughter ang kanyang huling serye na ginawa sa GMA.

Flattered si Adrian nang offer-an siya na maging parte ng upcoming primetime series na Onanay dahil sa kanyang work attitude.

Bahagi niya sa isang eksklusibong panayam, "Masaya ako kasi after almost three years, may ganitong project na nabigay sa'kin, and kausap nga ako kanina ng mga boss and sobrang thankful nila dahil tinaggap ko 'yung role. They were really looking for an actor that people can relate to and flattered naman ako dahil 'yun ang tingin nila sa'kin. Ako raw ang aktor na hindi nag-iinarte kung ano ang gustong ipagawa sa'kin. So, maganda naman 'yung feedback or 'yung comment nila sa'kin kaya kinuha nila ako."

Makakasama ni Adrian sa Onanay sina Nora Aunor, Cherie Gil, Mikee Quintos, Kate Valdez, Enrico Cuenca, Wendell Ramos, Gardo Versoza, Rochelle Pangilinan, Vaness Del Moral at Jo Berry.