Ang Oh, My Mama! ay ang kuwento ni Maricel, isang dalagang lumaki sa paniniwalang totoong ama niya si Gordon, ang matalik na kaibigan ng kanyang inang si Julia. Isang araw, mahahanap niya ang kanyang birth certificate at matutuklasang isang Robert Reyes ang kanyang tunay na ama. Sa paghahanap sa inaakalang ama, mapupunta si Maricel sa sindikato kung saan si Robert ang kanang kamay ni Big Boss. Mananatili si Maricel sa sindikato para makilala ang ama, pero hindi magiging madali ang buhay niya dito. Dito niya rin makikilala sina Peewee, Bayani, Bimbo, Berto at Nicole, mga batang pinagtatrabaho ng sindikato sa sweatshop. Sa pagdating ni Maricel, magkakaroon ng malaking pagbabago sa buhay ng mga bata, at tatawagin siya nitong Mama Cel.
Itatakas ni Maricel ang mga bata at magsisilbi siyang nanay-nanayan ng mga ito. Sa murang edad ay susubukan ang tibay at kakayahan ni Maricel para maging isang Mama Cel sa mga bata. Kahit ayaw niyang mapalayo sa mga ito, gagawin pa rin niya ang lahat para maibalik ang mga ito sa totoong pamilya. Kahit pa nga pinaghahanap pa rin sila ng sindikato at patuloy na nanganganib ang buhay nila.
Get notified of the latest showbiz news from GMA Entertainment
No ThanksSubscribe
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.