Puno siya ng pagmamahal at may matibay na pananampalataya sa Diyos. May kapansanan man sa pag-iisip, hindi nawawala ang pag-asa sa kanyang puso.
Ang misteryosong bata na magsisilbing gabay at inspirasyon sa kaibigang si Niño at sa mga tao sa kanilang paligid. Mahahalagang aral ang kanyang hatid sa kabila ng angking kapilyuhan.
Malaki ang utang na loob niya kay Niño dahil iniligtas siya nito mula sa isang aksidente. Mula noon, ipinangako niya sa kaibigang hindi niya ito iiwan.
Ang isa sa mga itinuturing na lola ni Niño na parating may baong pangaral dahil na rin sa mga pinagdaanan niya sa buhay. Subalit hindi rin niya nakalilimutang magbigay-saya sa lahat.
Ang anak ni Don Pedro. Mabait at mapagkumbaba kahit pa mayaman siya. Nagtangkang maging madre, ngunit hindi na siya nakapagpatuloy matapos magpasyang magpakasal at bumuo ng sariling pamilya.
Tapat sa tungkulin, siya ang pinuno ng Barangay Pag-asa.
Deboto siya ng Sto. Niño. Konserbatibo at relihiyosa, paminsan-minsan ma’y masungit pero ayaw niyang tumanda nang mag-isa.
Pagpapautang ang ikinabubuhay niya at maabilidad sa paghahanapbuhay.
Siya ang panganay na anak ni Hannah. Dahil lumaki sa karangyaan, hindi siya sanay na hindi niya nakukuha ang kanyang gusto.
Hinahangaan niya ang among si Lucio at sinusundan niya ang mga yapak nito.
Ang astang guwapong kaibigan ni David at isang mabuting ninong kay Niño.
Competitive. Handang gamitin ang kagandahan niya, makuha lamang ang gusto.
Parating nangunguna sa tsismisan pero maaasahan din naman.