Nakarehas Na Puso
TV

Nakarehas Na Puso: Mapait na kapalaran ng magkakapatid na Galang | Week 2

By Aaron Brennt Eusebio
Balikan ang nangyari sa ikalawang linggo ng GMA Afternoon Prime drama na 'Nakarehas Na Puso,' DITO.

Sa ikalawang linggo ng family-drama ng GMA Afternoon Prime na Nakarehas Na Puso, nabawasan na ng isa ang magkakapatid na Lea (Barbara Miguel), Miro (Miggs Cuaderno), Nonoy (Franchesco Maafi), at Olive (Cassandra Lavarias).

Galit na galit ang panganay na si Lea sa kanilang inang si Amelia (Jean Garcia) dahil sa nangyari sa kanilang pamilya. Mula noong nakulong si Amelia ay biglang bumagsak ang kanilang buhay, lalo na't nasa ospital pa rin ang kanilang amang si Jack (Leandro Baldemor).

Nakakulong na si Amelia ngunit hindi pa doon natatapos ang pagbabayad niya sa pagkakamaling nagawa niya. Dahil nahuli siya, malaking pera ang nawala kay Madam V (Glenda Garcia).

Upang kabayaran, sina Lea, Miro, Nonoy, at Olive ang kukunin ni Madam V at ibibigay sa sindikato.

Pinapahirapan man sila ng mga taong kumidnap sa kanila ay maayos pa rin silang pinapakain ng mga ito. Ang dalawang batang sina Nonoy at Olive ay gusto nang doon tumira, samantalang sina Lea at Miro ay natatakot pa rin.

Nang magkaroon ng pagkakataon, tumakas si Lea at iniwan ang mga kapatid sa mga tao kumidnap sa kanila. Dahil sa ginawa ni Lea, si Miro ang bubugbugin at magbabayad ng kasalanan ng kanyang ate.

Nagtangka na rin sina Miro, Nonoy, at Olive na tumakas dahil nalaman nila kung ano talaga ang balak ng mga kumidnap sa kanila, ang kanilang organs.

Sa kanilang pagtakas ay nabaril si Nonoy at binawian ng buhay.

Ano kaya ang mararamdaman ni Amelia ngayong nawala na ang isa niyang anak nang hindi niya man lang nakikita?

Panoorin ang Nakarehas Na Puso, Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Return To Paradise.

SAMANTALA, KILALANIN PA ANG IBANG MGA KARAKTER SA NAKAREHAS NA PUSO DITO:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.