Jean Garcia in Nakarehas Na Puso
TV

Nakarehas Na Puso: Pagkapit sa patalim ni Amelia | Week 1

By Aaron Brennt Eusebio
Balikan ang nangyari sa unang linggo ng GMA Afternoon Prime drama na 'Nakarehas Na Puso' DITO.

Sa unang linggo ng family-drama ng GMA Afternoon Prime na Nakarehas Na Puso, nahuli na ng mga awtoridad ang inang si Amelia (Jean Garcia) dahil may nakita na mga ipinagbabawal na gamot sa kanyang maleta.

Noong una, masaya pa si Amelia sa pamumuhay nila ng kanyang asawang si Jack (Leandro Baldemor) at apat nilang mga anak na sina Lea (Barbara Miguel), Miro (Miggs Cuaderno), Nonoy (Franchesco Maafi), at Olive (Cassandra Lavarias). Nagsimula ang problema nina Amelia nang mabiktima siya ng Ponzi scheme.

Buti na lang ay muling nakita ni Amelia ang kanyang best friend na si Doris (Michelle Aldana) na siyang tumulong sa upang mabayaran niya ang kanyang mga utang.

Upang mabayaran ang kanyang mga utang, gagawin ni Amelia ang inuutos ng kaibigan ni Doris na si Madam V (Glenda Garcia). Noong una ay maayos na nai-deliver ni Amelia ang package ni Madam V kaya naman nakakuha siya ng pera kahit papaano.

Maayos namang nagawa ni Amelia ang inuutos ni Madam V ngunit nagdadalawang isip na siya na muling gawin ang ganitong klase ng trabaho dahil pakiramdam niya ay illegal na droga ang lahat ng package na kanyang dini-deliver.

Dahil sa kahirapan, mawawalan ng ibang pagkakakitaan si Amelia kaya naman muli siyang bumalik kay Madam V, lalo na't pinangakuan siya nito ng milyon.

Paalis pa lang si Amelia ng Pilipinas papuntang ibang bansa upang ideliver ang isang package na inuutos ni Madam V ngunit nahuli na agad siya sa airport.

Tama ang hinala ni Amelia na mayroong lamang ipinagbabawal na gamot ang loob ng kanyang dalang maleta kaya mahuhuli siya ng mga awtoridad at makukulong.

Dahil ayaw niyang malaman ng kanyang pamilya na may ilegal siyang nagawa, tumakas si Amelia sa kamay ng mga awtoridad at sa mga tao ni Madam V na ayaw siyang makulong.

Sa pagtakas ni Amelia, nakipagkita siya kay Jack sa model unit ng bahay na gustong gusto niyang bilhin para sa kanilang pamilya. Sa kinasamaang palad, nabaril si Jack ng mga awtoridad dahil sa pagtulong niya kay Amelia na magtago.

Ano kaya ang mangyayari sa mga anak nina Amelia at Jack ngayong nakakulong ang kanilang ina at nasa ospital ang kanilang ama?

Panoorin ang Nakarehas Na Puso, Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Return To Paradise.

SAMANTALA, KILALANIN PA ANG IBANG MGA KARAKTER SA NAKAREHAS NA PUSO DITO:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.