Pilot episode ng 'Nakarehas Na Puso,' wagi sa ratings!
Pilot episode pa lang ng pinakabagong family-drama ng GMA na Nakarehas Na Puso ngunit tinutukan na agad ito ng mga manonood.
Ayon sa National Urban Philippines People Ratings ng Nielsen Philippines, nakakuha ang Nakarehas Na Puso ng 7.6%, higit na mas mataas sa mga katapat nitong programa.
Sa pilot episode ng Nakarehas Na Puso, nagsimula na ang kuwento ng inang si Amelia Galang (Jean Garcia) at kung paano siya naghahanap ng solusyon upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
Baon man sa utang at butas-butas ang kanilang bahay, hindi ito naging sanhi para mangarap si Amelia ng magandang buhay para sa kanyang mga anak.
Ano kayang paraan ang mahahanap ni Amelia upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya?
Patuloy na panoorin ang Nakarehas Na Puso, Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Return To Paradise.
SAMANTALA, KILALANIN PA ANG IBANG KARAKTER NA DAPAT ABANGAN SA NAKAREHAS NA PUSO DITO: