GMA Logo EA Guzman
What's on TV

EA Guzman, mas lalong minahal ang pag-arte dahil sa 'Nakarehas Na Puso'

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 27, 2022 1:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rain over Luzon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

EA Guzman


"Ito ang dahilan kung bakit mahal at lalo kong minamahal ang pag-arte at trabaho ko. I get to work with..." Sino kaya ang tinutukoy ni EA dito?

Mas lalong minahal ni EA Guzman ang pagiging aktor mula nang makatrabaho niya ang beteranang aktres na si Jean Garcia sa GMA Afternoon Prime series na Nakarehas Na Puso.

Sa Instagram, hindi maitago ni EA ang kanyang excitement na mapanood ng mga tao ang matitindi nilang eksena ni Jean. Mag-ina ang mga karakter nilang sina Miro at Amelia sa Nakarehas Na Puso.

Aniya, "Ito ang dahilan kung bakit mahal at lalo kong minamahal ang pag-arte at trabaho ko. I get to work with the best people in this industry."

"Isang karangalan ang makatrabaho at makaeksena ka Ate @chic2garcia. Excited na ko sa mabibigat nating eksena...excited din akong matuto sa'yo."

A post shared by EA Guzman 🤙🏼 (@ea_guzman)

Sa comment section, nagpasalamat din si Jean kay EA dahil alam niyang marami din siyang matututunan sa aktor.

Komento ng beteranang aktres, "Maraming salamat din sa patience, dedication, hard work, at pagmamahal sa trabaho natin EA, saludo ako sayo!!!"

"I'm also looking forward sa marami pa nating mga eksena. Alam kong marami din akong matutunan sayo at sa lahat ng bumubuo ng NNP family, at malaki pagpapasalamat ko sa inyong lahat!"

Mapapanood ang Nakarehas Na Puso mula Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Return To Paradise.

SAMANTALA, MAS KILALANIN PA ANG IBANG MAKAKASAMA NINA EA AT JEAN SA NAKAREHAS NA PUSO DITO: