PASILIP: Ang pagbabalik ni Jaclyn Jose sa 'Nagbabagang Luha'
Bago pa man mapanood sa TV comeback ng GMA primetime series na 'The World Between Us,' mapapanood muna ang batikang aktres na si Jaclyn Jose sa GMA afternoon drama na 'Nagbabagang Luha.'
Hind ito ang unang beses na lalabas ang 2016 Cannes Film Festival Best Actress sa 'Nagbabagang Luha' dahil napanood na siya sa ilang episode ng serye kung saan siya gumaganap bilang Mercy, ina nina Maita (Glaiza De Castro) at Cielo (Claire Castro).
Kung sa mga nakaraang episode ay pahapyaw lamang siya napanood sa serye, ngayong linggo ay aabangan ang cameo appearance ni Jaclyn dahil mapapanood siya nang mas matagal.
Bubuhos ang luha sa mga eksena niya kasama sina Glaiza De Castro at Claire Castro na tiyak na kagigiliwan ng mga manonood.
Narito ang pasilip sa kanilang mga eksena:
Comeback
Sa pagbabalik ng magaling na aktres sa 'Nagbabagang Luha,' makaka-eksena niya sina Glaiza De Castro at Karenina Haniel. Ginagampanan ni Glaiza ang papel ni Maita na panganay na anak ni Mercy, samantalang si Karenina ay bestfriend ni Cielo--ginagampanan ni Claire Castro--na pangalawang anak naman ni Mercy.
Dramatic actresses
Magtatagisan ng galing sa pag-arte ang dalawa sa mga hinahangaang aktres na sina Glaiza De Castro at Jaclyn Jose.
Sibling war
Matapos na kaya ang gulo sa pagitan ng magkapatid na sina Cielo at Maita sa pagbabalik ng kanilang inang si Mercy?