Sa My Special Tatay, tunghayan ang kuwento ni Boyet (Ken Chan), isang binatang mayroong mild intellectual disability. Ang tahimik at simpleng niyang buhay kasama ang kaniyang single mom na si Isay (Lilet) ay mabubulabog nang malaman nilang may sanggol na anak si Boyet. Sa kabila ng kanilang estado sa buhay at kondisyon ni Boyet, aalagaan nila ang bata sa abot ng kanilang makakaya. Tutulungan din sila ng tiyahin niyang si Chona (Candy Pangilinan) at ng childhood friend / crush niyang si Carol (Arra San Agustin).
Mapupunan kaya nila ang mga pangangailangan ng sanggol? Ano'ng klaseng pagsubok din ang kakaharapin ng kanilang munting pamilya? Magagampanan ba ni Boyet ang kaniyang responsibilidad bilang ama sa kabila ng kaniyang kapansanan? Abangan ang lahat ng iyan sa My Special Tatay.
Get notified of the latest showbiz news from GMA Entertainment
No ThanksSubscribe
×
My Special Tatay: Dagok sa buhay ni Boyet | Episode 77
December 18, 2018
Aired (December 18, 2018): Nais na hanapin ni Boyet si Edgar kahit pa malagay sa panganib ang kanyang buhay dahil naniniwala siyang buhay pa ang kanyang ama.
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.