WATCH: Ken Chan at Rita Daniela, ibinahagi ang mga natutunan sa 'My Special Tatay'
Malungkot man ang dalawang aktor sa pagtatapos ng Kapuso Afternoon Prime series na My Special Tatay, masaya na din sila dahil nakapagbigay ng saya ang kanilang show.
Sabi ni Rita, “Kapag may nagsarado, may nagbubukas.”
“And I'm happy kasi ang ganda ng journey ng My Special Tatay and that's the thing I'm thankful for.”
Bukod sa kanilang mga nakasama sa show, mami-miss din nila ang pagganap sa kanilang karakter na sina Boyet at Aubrey.
Ayon kay Ken, “Habang buhay nakatatak si Boyet sa puso ko and for sure, kay Rita din.”
'My Specai Tatay' stars, maraming mami-miss sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang high-rating soap
Ano naman ang natutunan nila sa pagganap sa serye?
Ani ni Rita, “Dahil sa show na ito, mas lumawak ang tingin at respeto ko sa mga taong katulad ni Aubrey at ni Boyet.
“Dapat talaga hindi ka nagju-judge.”
Kuwento naman ni Ken, nadagdagan daw ang kaniyang kaalaman tungkol sa autism at intellectual disability.
Dagdag pa niya, “Ang daming nadagdag sa buhay ko na parang kinompleto ako ng My Special Tatay”
Panoorin ang buong chika sa Cata Tibayan:
Theme song ng BoBrey at ni Carol ng 'My Special Tatay,' available na sa Spotify