TV

'My Special Tatay' stars, maraming mami-miss sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang high-rating soap

By Aedrianne Acar
Basahin ang nakakakilig at touching post ni Ken Chan para sa kanyang leading lady na si Rita Daniela.

Hindi maiwasan na maging emosyonal ang cast ng high-rating afternoon soap na My Special Tatay dahil sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang show.

Ken Chan & Rita Daniela
Ken Chan & Rita Daniela


Sunod-sunod ang kanilang posts sa social media kung saan ibinahagi nila ang ilan sa mga bagay na mami-miss nila sa My Special Tatay.

Sa Instagram post ng Kapuso actor na si Ken Chan, sinabi niya na hahanap-hanapin niya ang leading lady niya sa show na si Rita Daniela.

Aniya, “Mami-miss ko ang kakulitan mo. Mami-miss ko ang tawa mo. Mami-miss ko ang boses mo. Mami-miss ko ang mga jokes mo. Mami-miss ko ang mga akap mo. Mami-miss ko ang mukha mo kapag antok ka o kaya kapag gutom ka. Mami-miss kita sobra."

Binalikan naman ng Kapuso singer-actress Rita Daniela ang ilan sa 'awkward' scenes niya sa My Special Tatay.

Nakakaramdam din ng 'separation anxiety' sina Jillian Ward at Candy Pangilinan na itinuring na pamilya na ang mga kasama sa kanilang soap.

Huwag bibitaw sa lalong gumagandang kuwento ng My Special Tatay, weekdays bago ang Wowowin.

LOOK: Netizens, nag-react sa nalalapit na pagtatapos ng 'My Special Tatay'

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.