
Malaki ang pasasalamat ng Kapuso stars na sina Ken Chan at Rita Daniela sa maraming nabuksang pintuan dahil sa seryeng My Special Tatay.
Isa na rito ang love team na #BoBrey na hango sa kanilang mga karakter sa Kapuso series na sina Boyet at Aubrey.
Narating na rin ng My Special Tatay ang mainit na pagtanggap ng mga manonood na kitang-kita sa ratings ng serye.
“We're very blessed and very lucky,” sabi ni Ken Chan
“We feel so thankful na umabot kami ng ilang buwan.”
“Grabe lang 'yung blessings!"
“At grabe ang nabigay ng My Special Tatay sa buhay ko,” saad ni Rita.
At sa nalalapit na pagtatapos ng serye, mas dapat daw abangan ang mga susunod na eksena at may nakahandang sorpresa ang dalawang aktor sa kanilang fans.
LOOK: Netizens, nag-react sa nalalapit na pagtatapos ng 'My Special Tatay'
Alamin ang kanilang handang sorpresa sa chika ni Nelson Canlas:
Theme song ng BoBrey at ni Carol ng 'My Special Tatay,' available na sa Spotify