
Mahuhuli ni Carol (Arra San Agustin) sina Aubrey (Rita Daniela) at Gardo (Martin del Rosario) na naghahalikan.
Magmamakaawa si Aubrey kay Carol na pakinggan muna ang kaniyang paliwanag. Samantala, sasabihin naman ni Gardo kay Boyet (Ken Chan) ang tunay na relasyon nila ng kaniyang asawa.
Papakinggan ba ni Carol ang pagmamakaawa ni Aubrey? Ano naman kaya ang magiging reaksiyon ni Boyet sa rebelasyon ni Gardo? Alamin sa My Special Tatay.