WATCH: Listen to BoBrey's official theme song, 'Kaya't Anong Swerte Ko'
Published On: January 29, 2019, 03:53 PM
Updated On: January 29, 2019, 04:07 PM
Sa tuwing may nakakakilig na eksena sina Boyet (Ken Chan) at Aubrey (Rita Daniela) sa My Special Tatay, tumutugtog ang kanilang theme song na pinamagatang "Kaya't Anong Swerte Ko."
Ngayon, hindi n'yo na kailangang abangan ang kilig scenes ng BoBrey upang mapakinggan ang kanilang theme song dahil available na ito online sa GMA Playlist official YouTube page.
Damhin ang kilig at pakinggan ang boses ng Clasher na si Psalms David sa kaniyang pag-awit ng BoBrey theme song na "Kaya't Anong Swerte Ko."
Para naman sa mga brokenhearted, nariyan din ang kantang "'Di Na Lang Ikaw," ang theme song ni Carol (Arra San Agustin) na inawit ng Clasher na si Melbelline Caluag.