WATCH: Ken Chan, sino ang pipiliin kina Rita Daniela and Arra San Agustin?
Hindi nagawang pumili ni My Special Tatay star Ken Chan nang tanungin siya ng Unang Hirit kung sino ang pipiliin niya: si Aubrey na ginagampanan ni Rita Daniel o si Carol na ginagampanan naman ni Arra San Agustin.
IN PHOTOS: Why do Ken Chan and Rita Daniela click as a love team?
“Nako wala akong pipiliin. Baka sila magkatuluyan niyan,” malokong sagot ni Ken. “Carol o Aubrey, 50-50 talaga eh.”
Bukod dito, sinubukan din ni Ken na maging news reporter ala Boyet at gayahin si Aubrey kapag nagagalit.
Panoorin ang nakakatawang pagre-report ni Ken sa video na ito ng Unang Hirit:
Video courtesy of GMA News