WATCH: Ken Chan, aminadong si Boyet ang pinaka challenging niyang role
Minsan nang napahanga ni Ken Chan ang lahat sa pagganap niya bilang isang transwoman sa Destiny Rose. Ngayon, muling pinapabilib ng Kapuso versatile actor ang mga manonood ng My Special Tatay dahil sa kaniyang husay sa pagganap bilang Boyet.
LOOK: Ken Chan, pinuri dahil sa nakaaantig na pagganap bilang Boyet sa 'My Special Tatay'
Sa panayam ni Nelson Canlas, inamin ni Ken na mas challenging daw para sa kaniya ang karakter ni Boyet kaysa kay Destiny Rose.
Aniya, "Sa totoo lang, mahirap 'yung Destiny Rose, pero mas nahirapan ako dito. Eto kasi, itong karakter ni Boyet, hindi lang pisikal ang kailangan kong ipakita, kailangan nanggagaling siya sa loob. Hindi siya isip bata, 'yung puso niya ang bata."
Gayunpaman, nasusuklian ang hard work na ibinubuhos ng aktor sa kaniyang role dahil sa suporta ng kaniyang fans.
"Ang sarap sa feeling na may mga nanay na nag-me-message sa'kin na mayroon silang anak na may ganoon (intellectual disability) din. Maraming salamat daw, nagpapasalamat sila sa My Special Tatay kasi ipinakita natin 'yung buhay ng mga taong may intellectual disability," wika ni Ken.
Panoorin ang buong panayam ni Nelson Canlas kay Ken Chan sa 24 Oras Weekend.
Video from GMA News