
Nakapanayam ng GMA Network si Dra. Maria Bernadette M. Manalo, isang psychiatrist sa St. Luke's Medical Center and The Medical City Clark at consultant ng My Special Tatay team sa pagbuo ng karakter at kuwento ni Boyet na ginagampanan ni Ken Chan.
Ipinaliwanag ni Dra. Bernadette ang kondisyon ni Boyet sa My Special Tatay.
Aniya, "Si Boyet dito ay may mild intellectual disability on the mild autism spectrum disorder. Ibig sabihin noon, may problema siya one, in communicating or having social skills, second, mayroon siyang developmental delay sa intellectual capacity niya at ang kaniyang skills kailangan na mai-train siya on whatever he is doing."
Ikinuwento rin ng doktora ang ilang sanhi ng mild intellectual disability on the mild autism spectrum disorder.
"Ito ay nagsisimula noong siya ay bata pa at may mga ibang factors na dahilan nito, 'yun nga lang, walang specific factor na nagko-contribute doon.
"Nakita doon na puwedeng genetic factor lalo na kapag may isa sa pamilya o may mana-mana sa sakit na ito. Mayroon din tinatawag tayong environmental factors na puwedeng nagkaroon ng sakit ang nanay, nagkaroon ng viral infection at ibang series ng stressful factors during the first four months of pregnancy. Doon 'yung tinatawag natin na pag-develop ng mga organs ng isang baby.
"Ngayon, kung ang infection ay naranasan ng isang nanay doon sa four months na 'yon, ang tawag natin doon ay organogenesis. 'Yun ang magiging problema kasi puwedeng magkaroon ng problema sa utak sa panahon na 'yon.
"Kapag ang isang tatay ay mas matanda, the possibilty also na 'yung mga sakit na mayroon ang tatay ay isang factor din that can have the development of a mental delay sa bata," wika niya.
Ano naman kaya ang ilan sa mga sintomas ng kondisyong ito?
"Kasi ang two years ng infancy, madami kasing makikita na doon. Mayroong tinatawag tayo na delay in the developmental milestones of the child. So ibig-sabihin, kailangan 'pag nine months of age, kahit papaano nakakapagsalita na siya ng isang word pero hindi niya kaya 'yon. Kapag siya ay one year or more, kailangan dalawang phrases na ang nasasabi niya pero 'di niya pa nagagawa. Tapos may problema sa social interaction at mayroong language delay.
"So sabihin natin na puwede ang kanilang anyong pisikal ay normal pero pagdating doon sa tinatawag natin na mental capacity ay doon sila nagkakaproblema. So mayroong repetitive behavior, may problema sa communication and social skills are problems na nakikita doon sa autism spectrum disorder."
Sa kabila ng kondisyon ng mga taong may mild intellectual disability, ini-encourage ni Dra. Bernadette na dapat ay tanggapin at isali sila sa lipunan.
"Integrate them in the lives of the family and community. Ibig-sabihin niyan, kung alam natin kung ano 'yung kakayahan nila, ide-develop natin kasi may iba naman na highly-functional.
"Halimbawa, may iba naman na magaling sila sa math o magaling sila sa music. Focus on that, strengthen 'yung kanilang mga skills. Mga weakest points nila, puwede naman nating ma-train sila.
"Para sa 'kin, integrating them into the social system ay napakaimportante and accepting them kung ano man ang nakikita natin sa kanila.
"Most of them really have good hearts so para sa 'kin, importante dito na i-strengthen natin 'yung kanilang paniniwala sa kanilang sarili. Hindi lang sila "abnormal," hindi sila "abno." Sila ay meron lang problema sa delay sa kanilang intellectual capacity but that doesn't make them "disabled," they should be "abled." At ang pamilya ang kailangang gumawa ng paraan na 'yan."
Abangan ang makulay na kuwentong buhay ni Boyet araw-araw sa My Special Tatay on GMA Afternoon Prime.