LOOK: Kilig photos of Ken Chan and Rita Daniela
Sino ang boto sa tambalang Boyet at Aubrey ng 'My Special Tatay?' Silipin ang kilig moments ng BoBrey sa gallery na ito.
Opposite attracts
Malayung-malayo ang pinagkaiba ng ugali nina Ken Chan at Rita Daniela. Hindi lamang sa My Special Tatay kundi pati sa totoong buhay--soft-spoken si Ken samantalang nakakatawa talaga si Rita.
On- and off-screen partners
Hindi lang sa telebisyon nagkukulitan ang dalawa kung hindi pati na rin sa totoong buhay. Sa isang post ni Ken sa Instagram, makikitang nagkukulitan ang dalawa pagkatapos ng kanilang iyakan.
No-acting acting
Natural ang kanilang galaw kaya naman hindi nakapagtataka kung bakit maraming kinikilig sa kanila. Kahit na sa kani-kanilang social media ay nagkukulitan sina Ken at Rita.
Breaking barriers
Pareho silang hindi natatakot na magpakatotoo sa social media kaya naman pareho silang nag-click.
Partners in crime
Suportado nila ang isa't isa kaya maayos nilang naitatawid ang bawat eksena. Ibinahagi ni Ken sa kanyang Instagram, kung paano nagalit sa kanya si Rita dahil sa 'Kapag Lumingon Ka' challenge.
Fresh loveteam
Bagong love team lang sina Ken at Rita at sinamahan pa ito ng napakagandang kuwento ng My Special Tatay na ibang-iba sa karaniwang palabas.
Chemistry at its best
Hindi rin maikakaila na maganda ang chemistry ng love team nina Ken at Rita. Patuloy na abangan ang mga mangyayari sa My Special Tatay sa GMA Afternoon Prime.
Hot and cold
Kahit minsan ay nagsusungit si Aubrey kay Boyet, hindi pa rin maitatago ang kilig 'pag magkasama ang dalawa.
Almusal
Bukod sa 'My Special Tatay,' alam ba ninyong may project pang iba ang BoBrey? Mayroon nang duet sina Ken at Rita titled "Almusal" na mapapakinggan sa Spotify at iTunes!