About the Show

Isang magandang buhay kasama ang inang si Cora (Lotlot de Leon) —ito ang pangarap ni Neri (Kim Rodriguez). Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, makikilala niya ang mag-asawang Vivian (Gwen Zamora) at Anton (Christian Bautista). Dahil sa angking kabutihan ng dalaga, kukupkupin siya at pag-aaralin ng mga ito.

Dito magsisimulang magbago ang buhay ni Neri. Makikilala niya ang mag-inang Stella (Meryll Soriano) at Karen (Joanna Marie Tan) na siyang magpapahirap sa kanyang buhay. Bukod dito, isang bagay tungkol sa kanyang pagkatao ang mabubunyag— si Vivian ang tunay niyang ina.

Kung ang buhay niya ay puno ng kasinungalingan, handa pa rin kaya siyang maniwala sa tunay na pagmamahal?

Cast
  • Christian Bautista as Anton

    Pangarap niya ang magkaroon ng simpleng buhay at masayang pamilya. Ngunit isang sikreto ang maaaring sumira nito. Magawa pa kaya niyang mahalin ang asawa sa kabila ng paglilihim nito sa kanilang anak?

  • Gwen Zamora as Vivian

    Isang inang piniling itago ang anak sa takot na masira ang binuong pamilya. Ngunit sa oras siya ay balikan ng nakaraan, handa ba niyang ipagtapat ang katotohanan at ipaglaban ang sariling anak?

  • Kim Rodriguez as Neri

    Lumaki sa pagmamahal ng kinilala niyang nanay na si Cora. Ngunit sa oras na malaman niya ang katotohanan, mapatawad kaya niya ang inang umabandona sa kanya?

  • Lotlot de Leon as Cora

    Siya ang komadronang aampon at magpapalaki kay Neri. Bagama't hindi mapalad sa buhay, gagawin niya ang lahat para sa ikabubuti ng minamahal na anak. 

  • Kiko Estrada as Craig

    Mabait at mapagkumbabang binata kahit na lumaki sa maginhawang buhay. Mahuhulog ang loob kay Neri. Maipaglalaban kaya niya ang kanilang pag-iibigan?

  • Meryll Soriano as Stella

    Siya ang nakakatanda at oportunistang kapatid ni Vivian. Ipaaampon niya ang bunsong anak na si Heidi sa kapatid sa pangarap na makuha ang yaman nito.

  • Shamaine Buencamino as Esther

    Ang buthing ina ni Anton na tututol sa relasyon ng anak kay Vivian. Ipararamdam niya kay Vivian na hindi niya kailanman ito magugustuhan.

  • Enzo Pineda as Gavin

    Siya ang half-brother nina Lorraine at Craig. Makikihati siya sa yaman ng mga kapatid at maging sa puso ni Neri. 

  • Joanna Marie Tan as Karen

    Ang gitnang anak ni Stella. May malaking inggit sa nakababatang kapatid na si Heidi dahil sa magandang buhay na tinatamasa nito. Siya din ang magiging pinakamatinding karibal ni Neri sa puso ni Craig. 

  • Diva Montelaba as Lorraine

    Siya ang nakakatandang kapatid ni Craig. Lubos na masasaktan sa oras na hiwalayan ni Anton para kay Vivian.

  • Tricia Cabais as Heidi

    Siya ang bunsong anak ni Stella na ipaaampon kina Vivian at Anton. Dahil malayo ang loob sa ina, maghahanap siya ng pagkalinga at pagmamahal sa iba. 

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.