Luis Manzano, Vilma Santos, Ryan Christian Recto, Boy Abunda, My Mother My Story
Photo by: Vilma Santos-Recto Facebook
TV

Luis Manzano, Vilma Santos, at Ryan Christian Recto, tampok sa pilot episode ng 'My Mother, My Story'

By Kristine Kang
Updated On: May 8, 2024, 06:03 PM
Malapit nang mapapanood ang pilot episode ng programa kasama sina Luis Manzano, Vilma Santos, at Ryan Christian Recto.

Bigatin ang magiging pilot episode ng bagong TV special ni Boy Abunda na My Mother, My Story ngayong Mother's Day.

Dahil ibinunyag ng King of Talk mismo na ang magiging unang guest ng programa ay ang sikat na magkakapatid na sina Luis Manzano, Ryan Christian Recto, at ang kanilang ina na tinaguriang Star for All Seasons, na si Vilma Santos.

Masayang inanunsyo ni Boy Abunda na ang unang episode ay kaabang-abang dahil napakaraming sorpresa ang nangyari sa kanilang panayam.

Ibinunyag din ni Tito Boy, na nag-shoot ang buong team mismo sa farm house ni Vilma Santos sa Lipa, Batangas.

"We shot the episode kahapon (May 1) po sa Lipa, Batangas. Ang napakagandang Lipa, Batangas." sabi ni Boy Abunda.

Dagdag ni Tito Boy, ibabahagi raw ng episode ang buhay ni Luis bilang anak ng isang celebrity mom na tinatawag din siyang "public property."

"The special focuses on the life of Luis bilang isang anak na pinanganak sa mundo kung saan pagmamay-ari ang kaniyang ina ng publiko.Vilma calls herself, I quote, 'public property,' end of quote. Pero may pangangailangan din si Luis bilang isang anak at kung paano niya hinarap at tinanggap iyon, 'yan ang mapapanood niyo po sa My Mother, My Story."

Ang buhay ni Luis Mansano ay isa sa mga anim na celebrities na itatampok ng programa. Lahat sila ay magbabahagi ng kanilang istorya kung paano sila pinalaki ng kanilang mga magulang. Ibabahagi rin ng mga guest ang kanilang karanasan kung paano sila tinaguyod, nasaktan, tinuruan magmahal, at iba pang mga karanasan sa buhay na humubog sa kanilang pagkatao.

Ang My Mother, My Story ay personal para kay Boy Abunda at proud siyang gawin ito kasama ang kaniyang team sa Fast Talk with Boy Abunda.

Mapapanood na ang pilot episode ng programa ngayong Mother's Day (May 12), tuwing Linggo, 3:15 p.m.-4:15 p.m sa GMA.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.