
Ngayong Martes sa My Love From The Star, aakusahan ni Steffi (Jennylyn Mercado) ng kapabayaan ang kanyang management company matapos niyang makuyog.
Mas lalo pang sasama ang loob ng superstar actress dahil hindi niya ma-contact si Matteo (Gil Cuerva) na pinaka inaasahan niyang hingan ng tulong.
Chance na ba ito ni Winston (Christian Bautista) para mas mapalapit kay Steffi?
Abangan ang My Love From The Star, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Mulawin VS Ravena sa GMA Telebabad.