What's on TV

Ano ang mga Korean drama na napanood na ni Gil Cuerva at Jennylyn Mercado? 

By GIA ALLANA SORIANO
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated May 29, 2017 7:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile wildfires kill 19 amid extreme heat; scores evacuated
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Sa Facebook live ni Gil Cuerva at Jennylyn Mercado naikuwento ng dalawa kung ano-ano ang mga Korean drama na napanood na nila.
 

MLFTS Pictorial #BTS #ComingSoon

A post shared by GIL CUERVA (@gilcuerva) on


Sa Facebook live ni Gil Cuerva at Jennylyn Mercado naikuwento ng dalawa kung ano-ano ang mga Korean drama na napanood na nila. Aniya, syempre raw pinanood nila ang My Love From The Star.

READ: Gil Cuerva, tuloy-tuloy for 10 hours pinanood ang "My Love From the Star" 

Ika ni Jen, "Nag-workshop kami ni Gil, kailangan namin panoorin 'yung original My Love From The Star. Pinag-aralan namin mabuti 'yung script." Dagdag ni Gil, kasama na raw dito ang pag-analyze nila sa mga karakter nila. 

Bukod dito, nakapanood din si Gil ng mga recent Korean dramas gaya ng Weightlifting Fairy Kim Bok Joo. Na-curious daw si Gil sa Korean drama na ito dahil sa sumikat na linya mula sa show ang "Do you like Messi?" Isang pick-up lang na ginamit ng lead character dito. Si Gil ay isang sports fan, kaya nagtaka siya nang biglang nag-trending ang Argentine professional footballer na si Lionel Messi noon. Syempre, maraming fans ang nagsabi na dahil ito sa Korean drama. 

READ: Gil Cuerva asks on Twitter: "Bakit po trending si Lionel Messi?" 

Kung sa movies naman, favorite nila ni Jen ang Train to Busan starring Korean actor Gong Yoo.

Abangan ang out of this world tambalan ni Jen at Gil sa My Love From The Star, pagkatapos ng Mulawin VS Ravena.