'My Ilonggo Girl' stars, nag-celebrate ng isang victory party
Sumakses ang finale episode ng GMA Prime romcom series na My Ilonggo Girl kagabi, March 20.
Bago ang much-awaited last episode ng primetime series, nagpaabot muna ng pasasalamat ang isa sa mga bida nito na si Jillian Ward sa mainit na suporta na natanggap nila.
Bukod sa mataas na TV ratings, nakuha rin ng My Ilonggo Girl ang 1.5 billion total online views sa iba't ibang social media platforms.
Source: jillian (IG)
Ipinasilip naman ni Eunice Lagusad ang idinaos na victory party ng show. Makikita na present sa event sina Jillian, Lianne Valentin, Vince Maristela, Geo Mhanna, Yasser Marta, at Arra San Agustin.
Naki-party rin ang mga seasoned actors na sina Richard Quan, Andrea del Rosario, Arlene Muhlach, at si Miss Carla Martinez.
Hindi nakadalo ang leading man ni Jill na si Michael Sager na kasalukuyang napapanood sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Source: eunicelagusad_ (IG)
Samantala, sa mga naka-miss ng 'Pinaka-Winner na Finale' ng My llonggo Girl, mapapanood ang full episode nito sa GMA Public Affairs Facebook page na meron ng mahigit 1.5 million views na!
RELATED CONTENT: CAREER JOURNEY OF JILLIAN WARD AND MICHAEL SAGER