My Ilonggo Girl finale
Source: 24 Oras
TV

Jillian Ward, sobrang mami-miss si Michael Sager; may mensahe sa pagpasok nito sa 'PBB'

By Aedrianne Acar
May patikim sina Jillian Ward at Michael Sager sa isang aabangan na eksena sa 'Pinaka-Winner na Finale' ng 'My Ilonggo Girl!'

Ngayong gabi, March 20, masasaksihan na ng viewers at fans ang 'Pinaka-Winner na Finale' ng high-rating GMA Prime mini-series na My Ilonggo Girl.

Tiyak aabangan ng mga manonood kung magiging happy-ever-after nga ba ang love story ng pretty Ilongga na si Tata (Jillian Ward) at ni Francis (Michael Sager), o may huling plano pa ba si Venice (Myrtle Sarrosa) na guluhin ang buhay ng dalawa.

Sa panayam ng 24 Oras sa mga bida ng My Ilonggo Girl, ibinahagi nila ang mami-miss nila sa isa't isa.

Ayon kay Jill, iba talaga ang ginawang pag-aalaga ni Michael bilang leading man niya sa romcom series.

Kuwento niya kay Lhar Santiago, “Kay Michael, 'yung pagiging sobrang caring niya. Actually, he's very, very sweet.

“Super gentleman po siya. Every morning he will get me my favorite drink, 'pag may gusto akong food. Kahit pagbaba ko ng stairs nakaalalay siya, 'yung mga ganun pong mga bagay. So, sobrang na-appreciate ko 'yun.”

Para naman kay Michael, “Ako naman siguro mami-miss ko ang alagaan ka. Being with you kasi iba 'yung energy na ibinibigay mo sa akin.”

Dagdag ng Sparkada heartthrob, “Siguro being in this type of environment , this work setting, masaya ako. And masaya talaga ako na naka-partner kita. Mami-miss ko 'yung kakulitan natin and of course, 'yung mga moments on set na very fun lang.”

Hindi rin mawala ang ngiti sa mukha ng MicJill sa panayam na sa kanila ni Lhar nang kunan ang isang eksena na ipapalabas sa finale mamayang gabi.

Ano kaya ito?

“Nakakatuwa po na na-experience ko siya. Ayun, habang tini-tape namin 'yung eksena na 'yun, tawa lang talaga kami ng tawa. So, unforgettable po siya for me,” pag-amin ni Jillian.

Sinegundahan naman ito ni Michael na sinabing “Iba pala 'yung feeling nun. Siguro kahit hindi totoo, I mean, 'yung nararamdaman was something very special and I wanted it to show dun sa eksena.

“And kami ni Jill, were both very young, kaya ma-experience namin 'yun was fun.”

My Ilonggo Girl finale

Source: 24 Oras

Dahil hindi mapapanood ni Michael Sager ang last episode ng My Ilonggo Girl dahil kasalukuyan itong housemate sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, nagbigay ng mensahe ang Star of New Gen para sa kanyang kapareha.

Ani ng Sparkle actress, excited siya na makita ng tao kung paano makitungo si Michael na mga kasama niya.

“I pray na maging smooth lahat sa loob ng Bahay ni Kuya.

“I think dun sa house ni Kuya, makikita ng mga tao din kung gaano rin ka-genuine si Michael. And that he's actually really nice.”

Mga Palangga, tutukan ang grand finale ng My Ilonggo Girl sa GMA Prime mamayang gabi sa oras na 9:25 p.m., pagkatapos ng Mga Batang Riles.

RELATED CONTENT: JILLIAN WARD AND MICHAEL SAGER'S SWEET MOMENTS

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.