My Ilonggo Girl finale
Source: GMA Public Affairs
TV

'My Ilonggo Girl' grand finale, mamaya na

By Aedrianne Acar
Updated On: March 20, 2025, 05:44 PM
Today is the big day! Sama-samang manood ng “Pinaka-Winner na Finale” ng 'My Ilonggo Girl' sa GMA Prime ngayong gabi.

"Dasurb" n'yo, mga Palangga ang isang “Pinaka-Winner na Finale.”

Kaya naman, pasabog ang last episode ng viral at high-rating na GMA Prime series na My Ilonggo Girl na mapapanood mamayang gabi.

Sa past few episode ng rom-com series na pinagbibidahan nina Star of the New Gen Jillian Ward at Sparkle heartthrob Michael Sager, talagang kitang-kita ang pagmamahal ng manonood matapos ito makapagtala ng high TV ratings kontra sa katapat nitong programa.

My Ilonggo Girl finale on March 20

Source: GMA Public Affairs

"Sumakses" din ang My Ilonggo Girl online dahil ang mga episodes, highlights, at web exclusive videos nito ay naging patok at sa loob lamang ng apat na buwan, nakamit ng GMA Public Affairs program ang 1.5 billion total online views.

Walang iwanan Team "MicJill" at subaybayan ang “Pinaka-Winner na Finale” ng minahal ng taong-bayan na My Ilonggo Girl sa GMA Prime ngayong Huwebes ng gabi (March 20) sa oras na 9:25 p.m.

RELATED GALLERY: KILIG MOMENTS NG MICJILL

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.