Jillian Ward, may exciting twist daw na mangyayari sa 'My Ilonggo Girl'
Suguradong mas lalong dadami ang online views ng kinahuhumalingan ng bayan na GMA Prime mini-series na My Ilonggo Girl sa mga susunod na araw.
Matapos makapagtala ang show ng 587 million total views across all social media platforms, tiyak aabangan ng fans at viewers ang mga susunod na mangyayari kina Tata (Jillian Ward), Francis (Michael Sager) at Venice dahil sa mga exciting twist na mangyayari.
Sabi ni Jillian sa 24 Oras, “Nahuli ni Francis si Venice [na may relasyon sila ni James], so, maghihiwalay ba sila?” Dagdag niya, “Aawayan ba ni Venice si Tata?”
Source: GMA Network & 24 Oras
Samantala, dinagsa ng mga tao ang Kapuso Chill Fest mall show nitong February 9 sa TriNoma Activity Center.
Bukod kina Jillian at Michael, nakisaya rin sa mga pumunta sa grand event ang mga co-stars nila na sina Lianne Valentin, Yasser Marta, Arra San Agustin, Geo Mhanna, at Vince Maristela. Nakasama rin nila ang content creator na si Arman Salon.
RELATED CONTENT: CAREER JOURNEY OF JILLIAN WARD