Jillian Ward
TV

Jillian Ward's Tiktok collab kasama ang 'Mga Batang Riles,' patok online, mahigit 1M views na!

By Aedrianne Acar
Updated On: January 31, 2025, 02:04 PM
Tata (Jillian Ward) meets Mga Batang Riles!

Napa-hataw ang mga fans at netizens sa kulit dance collaboration ng mga GMA Prime stars sa TikTok.

Kinaaliwan online ang TikTok dance video na in-upload ng Mga Batang Riles star na si Antonio Vinzon kung saan kasama niya ang co-star na si Raheel Bhyria at ang mga bida ng My Ilonggo Girl na sina Jillian Ward at Michael Sager.

Nakatrabaho na noon ni Jill si Raheel sa hit afternoon serye niya na Abot-Kamay na Pangarap.

Ang naturang dance video ay umani ng mahigit one million views at may 91,700 likes na rin sa short-video app.

@antoniovinzon #mgabatangriles x #myilonggogirl @Raheel Bhyria @Jillian Ward @Michael Sager ♬ original sound - Hyein Jeanna

Samantala, ikinagulat ng lahat ang mga nangyari sa Thursday episode (January 30) ng My Ilonggo Girl nang magpanggap si Venice (Jillian Ward) bilang si Tata para makipagkita kay James (Yasser Marta).

Dito natuklasan niya na plano ng kaniyang ex na isiwalat ang totoo kay Francis (Michael Sager) na kasal pa rin silang dalawa sa pamamagitan ng marriage certificate.

Shocking ang mga sumunod na pangyayari nang dumating mommy ni Venice na si Vivian (Teresa Loyzaga) at pinigilan niya si James bago ito makatakas.

Silipin ang intense scene na ito sa video below.

RELATED CONTENT: Jillian Ward, kinilig sa sorpresa ni Michael Sager

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.