Jillian Ward at Michael Sager, thankful sa magandang reception sa 'My Ilonggo Girl'
Huling-huli nina Jillian Ward at Michael Sager ang kiliti ng mga tao mapa-telebisyon man o online dahil maganda ang nakukuhang reception ng pinagbibidahang nilang programang My Ilonggo Girl.
Panalo sa ratings sa telebisyon at milyon-milyon ang views online ng My Ilonggo Girl kaya naman taos-pusong nagpapasalamat sina Jillian at Michael sa mga manonood nito.
"Online, grabe po 'yung views, pati po sa TV. Nakakatuwa po na nashe-share namin 'yung ganda ng Iloilo. Nagulat po ako, and I'm so grateful," saad ni Jillian sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.
Dagdag ni Michael, "Seeing the comments, it really warms our heart na naging successful 'yung pampakilig, or siguro 'yung pampasaya tuwing gabi."
Ano kaya ang nararamdaman nina Michael at Jillian na marami ang kinikilig sa mga karakter nilang sina Tata at Francis?
Sagot ni Michael, "We enjoy each other. Kapag nagbabatuhan kami [ng linya], kung may adlib man, tinutuloy lang. 'Yung nasa bedroom, tapos nag-aagawan ng kumot, talagang naisipan lang namin 'yun on the spot, and natuloy lang tapos na-pick up pa ng viewers."
Pagpuri naman ni Jillian, "Si Michael pa po, ang gaan niya kaeksena. Minsan po, spontaneous talaga 'yung ginagawa namin sa eksena."
Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras dito:
Mapapanood ang My Ilonggo Girl, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream
SAMANTALA, TINGNAN ANG FASHIONABLE LOOKS NG MY ILONGGO GIRL CAST SA IBABA