Jillian Ward at Michael Sager, nagpakilig sa Kapuso Fiesta sa Iloilo!
Hindi nagpaawat ang tandem nina Star of the New Gen Jillian Ward at primetime heartthrob Michael Sager nang dumalo sila sa Kapuso Fiesta sa Festive Walk Iloilo nitong Sabado, January 25.
Bahagi ang naturang event ng Dinagyang Festival ngayong taon.
Bida ang on-screen love team sa pinakabagong GMA Prime series na My Ilonggo Girl, kung saan gumaganap si Jillian bilang sina Tata at Venice. Samantala, pino-portray naman ni Michael ang role bilang businessman na si Francis.
Sa isang bahagi ng performance nila sa Kapuso Fiesta, makikita na nag-duet ang dalawa na binansagan ng fans ang teamup nila bilang “MicJill.”
Nakasama rin ng MicJill ang co-star nila sa GMA Public Affairs kilig-serye na si Yasser Marta.
Tutukan ang sweet moments nina Jillian Ward at Michael Sager sa My Ilonggo Girl, Monday to Thursday, 9:35 pm sa GMA Prime!
RELATED CONTENT: Jillian Ward, kinilig sa sorpresa ni Michael Sager