What's on TV

Vincent and Eric's romantic getaway | 'My Husband's Lover' Recap

By Cara Emmeline Garcia
Published August 17, 2020 4:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

My Husbands Lover


Napawi ni Eric (Dennis Trillo) ang lahat ng mga inaalala ni Vincent (Tom Rodriguez) nang magbakasyon ang dalawa. Balikan ang mga nangyari sa 'My Husband's Lover' dito:

Pansamantalang umeere ang rerun episodes ng groundbreaking series na My Husband's Lover sa GMA.

Pagkatapos marinig mula sa bibig ng sarili niyang ama na ito ay isang closeted gay, hindi mapigilan ni Diego (Antone Limgenco) na mag-aalala sa reputasyon niya.

Kaya tanong ni Lally (Carla Abellana) sa anak, “'Yan ba ang natutunan mo sa school? Sa akin?

“Diego there's nothing wrong with being gay.

“That's why hindi tayo nakikipag-away because there are other ways to defend people. Ways kung saan hindi mo dapat manakit.

“I know its hard pero daddy mo pa rin siya, at mahal pa rin natin siya.”

Samantala, habang nasa bakasyon sina Vincent (Tom Rodriguez) at Eric (Dennis Trillo), hindi mapigilan ng una na magisip tungkol sa kanyang nakaraan.

Saad ni Vincent kay Eric, mas pipiliin niyang huwag na lamang gamitin si Lally upang mapagtakpan ang tunay niyang kasarian.

Ano kaya ang masasabi ni Eric tungkol dito?

Mapapanood ang My Husband's Lover sa official website ng GMA Network o sa GMA Network app.