
Pansamantalang umeere ang rerun episodes ng groundbreaking series na My Husband's Lover sa GMA.
Dahil sa labis na pagpapahirap sa kanilang anak na si Vincent (Tom Rodriguez), hindi na mapigilan ni Elaine (Kuh Ledesma) na kasuklaman si Armando (Roi Vinzon).
Para sa kanya si Armando ang may kasalanan ng lahat ng pagdurusa nila bilang pamilya.
“Masaya ka na ba? Masaya ka na ba na malaki ang chance na mamatay ang anak mong gay?” tanong ni Elaine.
Ang 'di alam ng lahat, may rason kung bakit napupuno ng galit ang puso ni Armando para sa mga binabaeng katulad ni Vincent.
Kuwento ni Armando, binugbog at ipinahiya siya ng kapwa niya lalaki noong siya'y sundalo lamang at tanging mga binabae ang makakagawa nito sa kanya.
Tanong naman ni Lally (Carla Abellana), “Sigurado po kayong gay sila?
“Wala pa po akong masyadong alam sa mga gaya nila. Pero knowing Vincent and even Eric, alam kong hindi po capable ang gawin ang mga bagay na 'yon.”
Samantala, nagawang magiwan ni Vincent ng isang liham para kay Lally na nagsasaad ng kanyang nais na ibigay ang lahat ng kanyang pagmamayari sa asawa upang mabuhay ito ng masaya at mapayapa.
Magising na kaya si Vincent?
Tuluy-tuloy lang ang panonood ng My Husband's Lover tuwing Linggo, 11:15 p.m., pagkatapos ng The Boobay at Tekla Show.
Huwag palampasin ang aired episodes nito na mapapanood sa official website ng GMA Network o sa GMA Network app.