TV

Vincent starts his training from hell | 'My Husband's Lover' Recap

By Cara Emmeline Garcia
Buong tapang na tiniis ni Vincent (Tom Rodriguez) ang hamon ng kanyang ama. Balikan ang mga nangyari sa 'My Husband's Lover.'

Pansamantalang umeere ang rerun episodes ng groundbreaking series na My Husband's Lover sa GMA.

Napagdesisyunan ni Armando (Roi Vinzon) na itago si Vincent (Tom Rodriguez) sa base ng militar hangga't hindi ito nagpapakalalaki.

Buong tapang na hinarap at tiniis ito ni Vincent ngunit malaki rin ang epekto nito sa kanyang tunay na pagkatao. Ano ito?

Panoorin:

Sa tulong ni David (Victor Basa), natuklasan ni Lally (Carla Abellana) ang tunay na kinaroroonan ni Vincent at nag-alala ito kondisyon ng asawa.

Dahil diyan, isinuplong ni Lally sa mga pulis ang kanyang biyenan nang dahil sa pagdukot nito sa sarili niyang anak.

Patuloy na panoorin ang My Husband's Lover tuwing Linggo, 11:15 p.m., pagkatapos ng The Boobay at Tekla Show.

Huwag palampasin ang aired episodes nito na mapapanood sa official website ng GMA Network o sa GMA Network app.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.