EXCLUSIVE: Isabelle de Leon excited to write original songs for 'My Guitar Princess'
Hindi na kaila sa lahat na mahusay na aktres at magaling din sa comedy ang former child star na si Isabelle de Leon.
Pero bukod dito, certified musikero rin si Isabelle.
Noong 2013, ini-release ni Isabelle de Leon ang kaniyang debut album na “LoveZone.”
Isa sa mga kanta rito ay ang “Feelingero” na naging patok sa netizens at may mahigit sa 500,000 views na sa YouTube.
Pinamalas din niya ang galing niya sa pag-awit last year sa Kapuso online music show na Playlist.
Kaya naman looking forward at exicted si Isabelle na mapasama sa pagbibidahang show ni Julie Anne San Jose na My Guitar Princess.
Sa exclusive interview ng singer/actress sa GMANetwork.com, sinabi niya na gusto niyang mag-sulat ng mga original songs para sa Kapuso series.
Aniya, “I-campaign natin 'yan… Gusto ko talagang mag-compose, every week kasi may original songs, isa ‘yun sa talagang nakakapagpapasaya sa akin. Kasi every week mayroon kaming original song na according dun sa story.”
“So kailangan mo gumawa talaga ng bagong song, kailangan mo i-incorporate ‘yung message and lyrics na ‘yun dun sa song. It’s gonna be really fun and I like to be a part of that din.”
For the latest update and more exclusive content for My Guitar Princess please visit the show page.