My Guardian Alien cast
TV

The beautiful bond of the 'My Guardian Alien' cast

Sa pagtatapos ng GMA Prime series na My Guardian Alien, masaya ang cast sa nabuo nilang pamilya sa serye.

Sa episode ng Unang Hirit kamakailan, tinanong ng seasoned actor na si Gabby Concepcion si Marian Rivera kung ano ang memorable moment nito sa kanilang pinagbibidahang serye. Ayon sa Kapuso Primetime Queen, ito ay ang kanilang off-cam moments.

“Kasi sa behind the scenes, alam mo 'yan, ito 'yung time natin na nagkukuwentuhan tayo ng mga cast, naging close talaga tayo sa isa't isa. So sabi ko nga, siguro kung meron akong mami-miss talaga dito, 'yun ang bonding natin together kasi off-cam talaga ang kukulit talaga namin,” kuwento ng aktres.

Ayon naman kay Gabby Eigenmann, na bumibida bilang Ceph, mami-miss daw niya ang lahat ng bumubuo ng My Guardian Alien.

“Mami-miss ko lahat, siyempre family na tayo rito e. Iba talaga 'yung nakakagawa ka ng isang proyekto na kahit tapos na 'yung show, magiging magkaibigan pa rin.”

Makikita rin sa social media ang behind the scenes photos ng cast, kung saan makikita ang kanilang masayang moments off-cam.

Silipin ang magandang bond ng cast ng My Guardian Alien sa gallery na ito.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.